Salamat sa pagbibigay ng input sa talatanungan ng lugar!

The White River runs next to the Lakeland Hills Pump Station in Roegner Park.

Basahin ang pahayagang ito sa Español (Spanish) | Українська (Ukrainian) | Kajin M̧ajeļ (Marshallese) | العَرَبِيةُ (Arabic) | Tagalog

Ang mga pansamantalang pag-upgrade ay makukumpleto sa Agosto - tinitiyak na mananatiling naka-bukas ang pump station kung mamamatay ang kuryente at mapanatiling ligtas ang mga tauhan.

Nagsimula ang konstruksyon para sa mga pansamantalang pag-upgrade noong Tagsibol 2023 para sa backup na generator at pag-install ng elevator. Ang pag-install ng backup na generator ay matatapos sa katapusan ng Hunyo. Inaasahang matatapos ang pag-install ng elevator sa Agosto. 


Salamat sa pagbibigay ng input sa talatanungan ng lugar!

Ang White River na umaagos sa tabi ng Roegner Park sa Auburn, WA. 

Ang White River na umaagos sa tabi ng Roegner Park sa Auburn, WA.    

Nagsusumikap ang King County na gawing maganda ang ating mga komunidad sa mga lugar kung saan maaaring umunlad ang bawat tao. Alam namin na ang kritikal na proyektong ito upang palitan ang Lakeland Hills Pump Station ay magkakaroon ng parehong mga benepisyo at epekto sa iyong komunidad.   

Nakatanggap kami ng higit sa 300 mga tugon sa talatanungan ng lugar sa paglalagay ng Lakeland Hills Pump Station! Pinahahalagahan namin ang bawat tao na naglaan ng oras upang ibahagi ang kanilang puna. 

Maraming salik ang dapat isaalang-alang habang tayo ay nagpapasya kung saan itatayo ang pump station sa hinaharap. Ang iyong input ay nakatulong sa amin na maunawaan kung ano ang pinakamahalaga sa komunidad. 

Narinig namin na mahalagang: 

  • Isaalang-alang ang mga epekto sa kapaligiran kapag pumipili ng bagong lokasyon ng pump station. 
  • Panatilihin ang akses sa parke habang at pagkatapos ng konstruksiyon. 
  • Bawasan ang ingay at amoy na pagkagambala sa panahon ng pagtatayo. 
  • Isama ang katutubong tirahan ng buhay sa kagubatan o iba pang halaman sa disenyo ng bagong pump station. 
  • Idisenyo ang pump station upang tumagal nang mahabang panahon.  

Kasalukuyang sinusuri ng pangkat ng proyekto ang mga potensyal na lokasyon. Kapag napili na ang isang lugar, ipapaalam namin to sa publiko. Inaasahan naming magkakaroon ng isang lugar na mapili sa huling bahagi ng 2024. 

Samantala, kung kayo ay may mga katangunan o alalahanin maaari kayong mag-email sa lakelandhills@kingcounty.gov o tumawag sa 206-263-3512. 

Dagdagang ang nalalaman tungkol sa pansamantalang pag-upgrade at pagpapalit na proyekto ng Lakeland Hills Pump Station.