Inaanunsiyo ng Tanggapan ng mga Pamantayan sa Paggawa ang Minimum na Sahod sa Seattle sa Taong 2027

Office of Labor Standards logo - press release version

Press Release

For Immediate Release

Contact Information
Cynthia Santana
Phone: 206-256-5219
Email: cynthia.santana@seattle.gov

Inaanunsiyo ng Tanggapan ng mga Pamantayan sa Paggawa ang Minimum na Sahod sa Seattle sa Taong 2027

Seattle, WA – (Setyembre 28, 2026) – Inaanunsiyo ng Tanggapan ng mga Pamantayan sa Paggawa (OLS, Office of Labor Standards) ng Seattle ang pagtaas ng minimum na sahod sa Seattle na may bisa mula Enero 1, 2027. Iniaatas sa Ordinansa sa Minimum na Sahod (Minimum Wage Ordinance) ang taunang pagtaas ng minimum na sahod. Ipinapataw ang minimum na sahod kahit ano pa ang katayuan sa imigrasyon ng empleyado. Iaakma ang minimum na sahod sa rate ng inflation batay sa Index ng Presyong Pangkonsyumer (CPI-W) sa Seattle Tacoma Bellevue.

Simula Enero 1, 2027, ang LAHAT ng negosyo, malaki man o maliit, ay magpapasahod sa mga empleyado ng $22.14 kada oras.

Itinatakda sa Ordinansa sa Minimum na Sahod ang minimum na sahod para sa mga empleyadong nagtatrabaho sa loob ng lungsod. Ang kasalukuyang minimum na sahod sa Seattle sa taong 2026 ay $21.30/oras.

Magpapadala ang OLS ng nirebisang poster para sa lugar ng trabaho na may impormasyon tungkol sa mga pamantayan sa paggawa para sa taong 2027 sa bawat negosyong may lisensiyang magnegosyo sa Seattle. Malapit nang maglabas ng mga kopya ng poster para sa lugar ng trabaho sa wikang Ingles at nang nakasalin sa 30 pang ibang wika. Mag-sign up sa newsletter ng OLS para sa mga pinakabagong update tungkol sa mga pamantayan sa paggawa ng Seattle sa website ng OLS.  

  • Tulong para sa mga negosyo: para sa libre at pribadong tulong upang makasunod sa mga pamantayan sa minimum na sahod at iba pang pamantayan sa paggawa ng Seattle, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa laborstandards@seattle.gov, o i-click ito upang magsagot ng form ng paghiling online.
  • Tulong para sa mga manggagawa at sa publiko: upang magtanong, maghain ng reklamo, o magbigay ng impormasyon, tumawag sa 206-256-5297, mag-email sa laborstandards@seattle.gov, o i-click ito upang magsagot ng form sa web.

 

###